Ang Tipo Kong Teacher sa Hinaharap


Magandang araw po sa inyo! Ako si Jenemie D. Caballes na kasalukuyang nag aaral Dito sa Don Carlos Polythechnic College sa kursong Batchelor of Elementary Education. Marami akong paborito at hilig sa buhay na kahit kailan tingin ko hindi na magbabago tulad na lamang ng naka sunod:
Mom

          (Mapagmahal sa kape)

Bakit ba Ang sarap mag kape? Siguro dahil sa ito'y nakasanayan na. Sa simula palang talaga na hanggang ngayon pinatili kong parte na ng buhay ko ang pagkakape. Kape ang karamay ko sa tuwing nakakaramdam ako ng matinding lungkot. 



                            (Palarong Basketbol)



Yung paborito ko rin manuod ng basketbol sa aming baranggay ,lalo pag kasama ang mga kaibigan ko. 





(Korean drama lover)

Sobrang hilig ko manood ng Korean drama,Iwan ko ba pero talagang naaadik na ako simula palang noong ito'y natuklasan ko. Halos lahat na yata ng Korean drama napanood ko na,kahit paulit-ulit na hindi parin ako nag sasawa. Nakakatawa diba?  minsan na nga lang ako kinikilig sa kwentong pag-ibig pa ng iba,siguro ganoon talaga ang buhay, mabawasan man lng ang problema sa buhay. Tanggapin ko nalang ang katotohana na sa iba na ako kinikilig kaysa sa sarili kong buhay pag ibig.

  


Oo nga tama kayo si Lee Min Ho nga Yan! Ang pinaka paborito Kong actor sa buong Korea.  Siya Ang kauna-unahang Korean actor na nasilayan ko at nang dahil sa kanya natutunan kong manuod ng korean drama. High School  ako noong natuklasan ko siya sobrang bata ko pa talaga pero idol na idol ko na siya sa . Hanggang ngayon Siya pa rin ang oppa ko!



Paborito kong pagkain ang spaghetti 
Para sa akin hindi nakakasawang kainin ito,Lalo na pag kasama ang pamilya.



                      Muling Hagkan Ang Nakaraan

                              Buhay High School 

Nag tapos ako kasama ang mga kaibigan ko ,sobrang saya pag nandyan sila. Lahat yata ng kalokohan nagawa na namin, pero kahit na pasaway kami meron din Naman kaming pangarap sa buhay at yon ang maka tapos ng pag -aaral. Makulay ang buhay kapag kasama ko sila Kaya sabay sabay kaming nangarap.



                              Buhay koliheyo

 Sa kagutuhang matupad ang pangarap na maging guro balang araw,nakipag-sapalaran akong nag aral Dito kahit malayo sa pamilya. Tibay ng loob Ang maging pundasyon ko ,titiisin kong lahat ng lungkot,pagod at puyat para makamit ang pangarap sa buhay. Bilang Bata na pinanganak sa mundong ibabaw,obligasyon kong suklian ang mga paghihirap at sakripisyo ng akong mga magulang upang ako ay mataguyod lamang. Sa ngayong panahon sisikapin kong labanan ang anumang hamon sa buhay lalo na pag tungkol ito sa pag-aaral. Mahirap ang buhay sa bukid,hindi mo alam kung saan ka tutungo pag kailangan mo ng pera,hindi madaling makahanap ng pera kailangan itong patuluan ng pawis . Sa ganitong sitwasyon napagtanto ko na dapat talagang matapos ko Ang aking pag-aaral ,hindi dahil sa gusto kong yumaman at mabuhay ng marangya pero gusto ko lng talaga na may sigurado akong trabaho pag dating ng araw. Basi sa mga obserbasyon ko,lahat ng guro ay hindi mayamam subalit sila'y nakakabili ng mga simpling bagay bagay lamang  na kailangan para sa buhay at yon ang gusto kong mangyari.



Bago man natin maabot ang pangarap sa buhay na maging guro o teacher , dumaan din tayo sa mga pagsubok na akala natin hindi malalampasan. Mag- kahalong lungkot at saya ang ating nadarama bilang studyante, lungkot dahil sa mababang grado na makukuha sa pag-susulit at saya naman dahil sa mga kaibigan na naka paligid sa atin. Bahagi na sa mga mag-aaral na sumali ng mga aktividad sa paaralan,kaya hindi maiiwasan na tayo'y maaliw. Minsan tinatamad akong pumusok sa paaralan gusto ko lng na buong hapon akong mahiga sa kama pero hindi pwde dahil may pangarap ako na dapat ilaban. Nang dahil sa pag-aaral ang dami nating karanasan na hindi pwedeng kalimutan dahil maging bahagi ito ng ating tagumpay balang araw.


       Kung may tiyaga ,May nilaga

Minsan hindi maiiwasan na tayo'y magkaroon ng tao na ini-idolo,idolo natin dahil sa may nakikita tayong kakaibang bagay na imposibleng mangyayari sa kanila, tulad na lamang ng sila'y nag tagumpay sa gitna ng hirap sa buhay . Dahilan sa tiyaga na kanilang ginagawa itoy nag bunga ng tagumpay. Kahit anong hirap,hahanap at hahanap talaga Sila ng paraan upang maabot ang parangap.
Kaya Ayan! Patuloy akong lumalaban sa buhay gaya ng iba,dahil ako ay may pangarap din sa buhay na kahit mahirap ay dapat matupad. "Kung may tiyaga,may nilaga" ito Ang kasabihan ko  dahil Kung kaya ng iba , kaya ko Rin!  At ito Ang dapat Kung panindigan. Nandito na ako para mangarap kaya ilalaban ko na.





             Ang Tipo Kong Teacher sa Hinaharap 

Hindi ko pangarap na maging sikat na guro sa hinaharap, buhay ko ay simple lng kaya't gusto ko rin na maging isang simpleng guro lng din. Bago ko lng natuklasan na gusto ko pala maging isang guro, dahil sa totoo lng wala pa talaga akong ideya Kung ano ba talaga ang gusto ko maging balang araw. Sa totoo lng pangalawang beses na akong nag aral sa unang taon ng kolehiyo huminto lng ako noon dahil sa hirap ng buhay. Sobrang naaawa ako sa mga magulang ko dahil kitang kita sa dalawang mata ko ang paghihirap na dinaranas nila. Nang dahil doon nag desisyon na akong huminto na muna upang mag humanap ng trabaho sa ibang lugar. Dalawang taon Ang lumipas at marami na ang nangyari sa buhay,umuwi na ako sa probinsya at doon nag desisyon ulit ako na ipag patuloy ko nalang Ang na udlot kong pangarap ayon nag enroll ako dito sa DCPC at muli Kong tuparin at ilaban ang pangarap ko na maging guro sa hinarap. Ang Tipo Kong sa hinarap ay ang maging maunawain sa mga mag aaral ,hindi ko alam pero madali kong naiintindihan ang sitwasyon ng mga studyante sa ngayong panahon. Sa ganitong paraan maipakita ko man lang ang pag mamahal ko sa kanila dahil alam ko na mahirap ang buhay estudyante lalo na pag  walang wala ang mga magulang. Sandali lng may ikukuwento lang ako ,hindi maiiwasan na makakuha ng mababang grado, Minsan kasi lumiliban ako sa klase dahil sa may dumating na trahedya sa aming pamilya ang papa namin ay naaksidente kaya't dinala namin sa bahay pagamutan. May isang guro na maunawain at dahil sa mababang grado na nakuha namin binigyan niya kami ng pag kakataon na muling bumawi at nang maangat ito  hindi ko sinayang yon sinunggaban ko an ang pag kakataon. Nang dahil kay Teacher R. napag isipan ko na ang Tipo Kong teacher ay ang pagiging  maunawain sa ganoong paraan maipakita ko man lng ang pagmamahal at simpatya sa mga studyante ko. Kapag mahal mo diba kahit anong rason nila mauunawaan at maiintindihan mo? lahat iintindihin ko para sa kanila at sana huwag lng abusuhin at baka akoy mapagod din. Sa buhay kailangan nating makinig sa mga rason o opinyon ng iba dahil baka may maitutulong din tayo sa kanila.
Ang Tipo Kong teacher ay ang maunawain sigurado na ako doon dahil gustong gusto ko talaga maranasan paano maging mabait sa mga mag aaral,gusto ko rin maranasan paano ba maging mabait na titser. Kung ano man Ang naranasan ko noong akoy estudyante pa lang ayaw kong maranasan nila ang ganoong sitwasyon,gusto kong maging kampante sila sa pag aaral,gusto kong tumatak sa puso't isipan nila na ako si Bb. Caballes na handang umintindi at sumusuporta sa kanila. At yon ang tipo kong teacher sa hinaharap at tapat ako doon.


Comments